Ang AF kasi ay isa sa mga importanteng bagay sa isang bird photographer. Oo nakarating ka sa bundok, oo nakita mo ang ibon, kaya lang.. OOF (out of focus) naman picture na nakuha mo.. talo din. Madalas kasi, ang mga ibon, nakatago sa likod ng mga dahon. Madalas din, ako eh nagtatago din sa likod ng dahon para hindi ako makita ng ibon at hindi sya matakot.
Ang isa pang problema, ay kapag lumilipad ang ibon, mahirap mag focus kung mabagal ang AF ng lente mo. Pero kung nasa ulap lang naman eh sa totoo lang, madali lang makuha ng lente ang subject. Ang problema eh kapag nagkaroon ng background ang lumilipad na ibon. Kapag hindi mo na"sapul" at nasundan ang ibon, sa background magfofocus ang lens. Eh bird photography ito, hindi background photography.
Kaya heto, ang mga tetestingin:
1. Lumilipad na ibon na, papunta sakin, papuntang kaliwa at papuntang kanan
2. Lumilipad na ibon na may background na mataas ang contrast
3. Ibon na nakadapo sa maraming dahon.. makita kung sa dahon o sa ibon tatama ang AF
eto ang resulta ng unang tetestingin, tulad ng sabi ko, medyo madali ito kapag plain lang ang background
Papunta sakin:
pakaliwa
at pakanan
Eto na.. ang ikalawang test.. ang mas mahirap..
Yan! Lumilipad na ibon, may background, taas ng contrast nung background na isa pang ibon.. tindi! Panalo ang lens!!!
ito naman ang resulta ng pangatlong test. Yung tinatawag kong "patagos" sa mga dahon..
O diba! hindi sya sa dahon sa harap ng focus! Eto pa..
pero baka sabihin mo eh lantad masyado yung ibon.. eto pa
halos tago sa dahon yung ibon.
pero huwag naman umasa na kahit sobrang dami ng dahon eh makikita pa rin. Nikon camera ang gamit ko, hindi X-Ray machine!
Pero sige.. mapilit ako eh.. walang ibon na nahaharangan ng dahon.. eto.. LAMBAT!!! DALAWA!!!
Oo syempre hindi ganoon kalinaw.. ang punto ng picture na ito ay.. hindi sa lambat ng focus ang gear ko. PANALO!!!
O ayan, tapos na ang testing.