Monday, June 14, 2010

Nikkor 200-400 f4 VR2 Review

Kararating lang ng bagong long lens ng Nikon sa Pinas. Ang 200-400 F4. At ako ay pinalad na mabigyan ng pagkakataon na gamitin ito at i-review. Kaya eto..

First impression:
Kapag ang isang lens ay may libreng strap.. isa lang ibig sabihin nun.. MABIGAT! Hindi ko na pinag aksayahan ng panahon a timbangin siya (atat na ako gamitin eh) pero yun nga.. mabigat. May kasama syang bag, parang knapsack sa laki. Kapag ikinabit ang lens hood.. lalong humahaba ang itsura.

Hindi ako yung tipo ng nagrereview na kung ano ano pang technical na bagay ang isinusulat, at kung ano ano pang pampayabang ang isinusulat.. ang style ko.. gagamitin ko ang lens.. tetestingin ko.. titignan ang pictures na kalalabasan, at isusulat ko.

Ginamit ko sya sa aking D90 para pangkuha ng mga litrato ng ibon. Yun ang specialty ko eh. Avian Photography. At dun dapat maging magaling ang lens na ito dahil siya ay isang 400mm. Di ko na tinesting sa 200mm, tutal palagi naman naka 400 sakin eh. Siguro yung iba na lang magtest. At specialized, ika nga ang test na gagawin ko.. pang bird photography nga.. kulit.

Second impression:
Ang aking mga inabangan...
1. For sure manipis ang DOF sa f4 lalo kapag malapit ang kukuhaan.. tetestingin ko yun
2. AF Speed nya ay dapat mas mabilis man lang sa 80-400mm ko. Kapag hindi, iiyak ako.
3. IQ at sharpness dapat ay panalo. Kukuha ako ng pic ng isang maliit na ibon, galing sa malayo, crop to death, dapat me detalye pa.

Simple lang diba? Tatlong tests lang. Madali ito kung me studio ka, ang problema, sa field. Bahala na.

1. DOF o depth of filed. Ito yung mga parteng pinaka-sharp o malinaw sa isang litrato. Sa 400mm at malapit na subject, malamang manipis ito. Pero ang tanong.. gaano kanipis.

Eksakto naman at ako ay may namataang ibon na may kalakihan at malapit sa kinatatayuan ko. Isang black crowned night heron.

Ang resulta:
sideways by you.

Full frame yan, walang crop. Tignan mo yung nipis ng DOF.
naka focus ako sa bandang balikat at doon nga sharp (malamang!)
DOF by you.

Kaunting crop

portrait by you.

Mapapansin na sharp sya sa bandang leeg, bago dumating ng balikat hanggang sa paglampas ng balikat pero ang mata at tuka ay hindi na gaanong sharp.

2. AF Speed. Okay naman sya. Tulad ng inaasahan, mas mabilis sya kaysa sa 80-400 ko na notorious (DAW) sa pagiging mabagal mag AF, pero di ko naman naging problema.
Sample, isang lumilipad na night heron
in flight by you.

3. IQ at sharpness. Katulad ng sabi ko, siguro maganda nang pantesting eh kumuha ng picture at i-crop hanggang sumakit ang tyan mo.
Original pic
wyteyebuo by you.
Nasa gitna yung ibon, tignan mo nang maigi. halos pasok sa loob nung focusing box kapag sinilip mo sa view finder.
Eto sya sa 1million percent crop.. hehe
wyteyecropped by you.
Kita mo na? Sabi ko sayo me ibon eh!
Marami pa rin nahugot na detalye. Panalo!

Isa pang sample picture
yvb1OA by you.

AY! May nalimutan akong banggitin, ang VR2. Yung nauna kasing 200-400 ng nikon eh yung lumang VR system ang gamit kaya't mas maganda ang VR nito kaysa sa nauna syempre. Gaano kaganda? Ang lahat ng mga pictures na nandito sa review na ito ay kunuhaan ko nang hand-held. Lumaki nga yata ng konti ang braso ko sa kakabitbit ng lens na yun. Ang bigat!


Negative points? Sa kinasamang palad.. mayroon.
Natagpuan ko ang tinatawag na "sweet spot" ng lens na ito sa f5 - f5.6. Tulad ng karamihang lens, ang sweet spot na tinatawag ay nasa dalawang steps pataas sa aperture.

Ang ikinasama ng loob ko, ay may nakita akong chromatic aberration sa f4
Better by you.Wrong by you.
yung nasa kaliwa ay kinuhaan ko sa f8 at yung nasa kanan ay f4.

All in all, napakaganda ng performance para sa akin ng lens na ito. mabigat sya oo, pero nakakatulong siguro yun sa tatag habang handheld, pati na ang makabagong VR nya.
Ang Image Quality ay maayos tulad ng inaasahan, pero hindi siya yung tipo na luluwa ang mata mo at isusumpa mo ang lahat ng ibang lens sa mundo.

The devil is in the details:

Nagustuhan ko ang internal focus mecahnism nya at walang gumalaw sa labas ng lens kahit iksian mo haggang 200mm. Para sakin, ang ibig sabihin nito ay pwede ko syang balutan ng camouflage. Ang hindi ko lang type (nung una) ay ang pwesto ng focusing ring nya. Sakto kasi sa kamay ko kapag binubuhat ko sya para mag handheld ng kuha. Eh kahit naka AF ka, pwede mo pa rin tulungan ito ng Manual na focus. Ang nangyayari sakin nung una ay nagagalaw ko yung focus ring kaya nawawala sa focus minsan. buti na lang may mode (pala) sya na AF/M na ang ibig sabihin ay mag AF sya, pwede mong tulungan ng Manual, pero ang AF ang priority nya.

Ang lagayan ng strap sa tripod collar ay maayos at eksakto naman sa pwesto. Ang di ko lang type, dahil nandoon nga ang lagayan ng strap sa tripod collar, kapag sidekick o side-mount na tripod head ang gagamitin mo, mawawala sa position ang straps, magiging mahirap bitbitin.

Sa timbang naman, parang nahihiwagaan din ako sa kanya. Mabigat sa bandang bungad ng lens, kahit nakakabit na ang D90 ko, hindi ko sya mailapag nang nakatayo sa tripod collar, siguro kailangan ko ng D3s para mabigat? :)

Sa ngayon, ito ang aking obserbasyon sa 200-400 f4 VR2. Panalo.

rating? mula isa hanggang sampung bituin, sampu bilang pinakamataas.. bibigyan ko sya ng walo.

No comments:

Post a Comment